dzme1530.ph

Mga OFW, binigyang pugay sa ika-anim na ‘Konsyerto sa Palasyo’

Loading

Binigyang pugay ng Palasyo ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs), sa pamamagitan ng isang concert sa ilalim ng mga bituin sa kalayaan grounds ng Malakanyang.

 

Sa video message sa ika-anim na “Konsyerto sa Palasyo,” binigyang pugay ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga bagong bayani na nagsasakripisyo hindi lamang para sa kanilang mga pamilya kundi para sa kinabukasan ng Pilipinas.

 

Aniya, ang Konsyerto ay simbolo ng taos-pusong pasasalamat at pagsaludo sa hindi matatawarang sakripisyo at dedikasyon ng mga OFW upang mapabuti ang kanilang pamilya, komunidad, at bansa.

 

Sa okasyon na may temang “Konsyerto sa Palasyo: para sa ating mga OFWs,” nagtipon-tipon ang mga OFW at kanilang mga pamilya habang libo-libong iba pa ang nanood sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng coordinated watch parties.

About The Author