Pinangunahan ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas ng Vitro Santa Rosa (VSR) data center, para makahikayat ng malalaking tech companies.
Ang VSR na tinawag ng palasyo bilang kauna-unahang data facility sa bansa ay may kakayahang humawak ng large-scale Artificial Intelligence (AI).
Mayroon itong information capacity na 50 megawatts at may lawak na 13,000 square meters na white space.
Kinukuha rin ng pasilidad ang 35% ng kanilang kuryente mula sa renewable energy.
Upang mas madaling maintindihan, inihalintulad ni pangulong Marcos ang data center sa isang warehouse, subalit para sa impormasyon.