Lumago ang economic output sa National Capital Region (NCR) ng 5.65 noong 2024, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Batay sa datos, mas mabilis ang economic expansion sa Metro Manila noong nakaraang taon kumpara sa 4.9% noong 2023.
Pinakamabilis din ito mula nang maitala ang 7.6% noong 2022.
Gayunman, bahagya pa ring mababa ang economic output sa NCR kumpara sa revised 5.7% national gross domestic product (GDP) noong 2024.