dzme1530.ph

Mahigit 2k rebelde, nag-apply para sa amnestiya; deadline, itinakda sa March 2026

Loading

Mahigit 2,000 rebelde ang nakapag-apply na para sa amnestiya, ayon sa National Amnesty Commission (NAC).

Kasabay nito ay ang paalala na hanggang March 2026 maaaring tumanggap ng aplikasyon ang Komisyon.

Ayon kay NAC Chairperson Leah Tanodra-Armamento, karamihan sa amnesty applicants ay humiling din ng Safe Conduct Pass (SCP).

Aniya, as of April 21 ay umabot na sa kabuuang 2,006 ang naghain ng aplikasyon.

Una nang binigyan ng otorisasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang NAC na mag-isyu ng SCPs para sa mga dating rebelde na nais mag-apply ng amnestiya.

Ang SCP ang magbibigay ng protesyon sa mga aplikante mula sa pag-aresto at pagkakakulong.

About The Author