Muling pinagtibay ng Department of Education (DepEd) ang pangakong titiyakin ang karapatan at kapakanan ng mga guro na magsisilbing poll workers sa nalalapit na May 12 National and Local Elections.
Ginawa ni Education Sec. Sonny Angara ang pahayag matapos ang Memorandum of Agreement Signing Event, kasama ang Comelec, AFP, PNP, at iba pang partners.
Ayon sa ahensya, ipakakalat ang Election Task Force (ETF) ng DepEd sa buong bansa para magbigay ng real-time monitoring, assistance, at incident response sa halalan.
Magiging fully operational din ang DepEd Election Command Center simula May 11 hanggang 13.
Bawat ETF Operations Center ay makikipag-coordinate sa Comelec, Public Attorney’s Office, at law enforcement bodies para garantiyahan ang karapatan at kapakanan ng mga guro na magse-serbisyo sa eleksyon.