dzme1530.ph

Balance of Payment noong Marso, naitala sa $2-B deficit

Loading

Naitala sa $2-B deficit ang Balance of Payments (BOP) ng bansa noong Marso.

Sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), 1.97 billion-dollars ang BOP deficit noong ikatlong buwan, kabaliktaran ng 3.09-billion-dollar surplus noong Pebrero.

Ang deficit ay nangangahulugan na mas maraming pondo ang lumabas sa Pilipinas habang ang surplus ay mas maraming pera ang pumasok.

Ayon sa BSP, ang BOP deficit noong Marso ay repleksyon ng pagbabayad ng national government ng mga utang sa labas ng bansa.

About The Author