Pumanaw na ang OPM icon at veteran singer na si Hajji Alejandro, matapos makipaglaban sa sakit na Stage 4 colon cancer, kahapon, April 21.
Ang masakit na balita ay kinumpirma ng kaniyang anak na si Barni Alejandro sa social media.
Nagpahatid naman ng pakikiramay ang mga kapamilya, kaibigan, supporters, at nakasama ni Hajji sa industriya.
Nakilala si Hajji noong 1970s bilang miyembro ng Circus Band at kalaunaý nagsimula nang pasukin ang solo career.
Isa sa mga song hit ni Hajji ay ang ‘Kay Ganda ng Ating Musika’ kung saan ito ang unang nanalong kanta sa Metro Manila Popular Music Festival.
Naalala rin ito bilang isa sa orihinal na kilabot ng kolehiyala na bumihag sa puso ng marami sa kaniyang mga kantang ‘Panakip Butas’ ‘Nakapagtataka’ at ‘Tag-araw, Tag-ulan’.