dzme1530.ph

Pangulong Marcos, labis na ikinalungkot ang pagpanaw ni Pope Francis na tinawag niyang “Best Pope”

Loading

Labis na ikinalungkot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpanaw ni Pope Francis na kinilala niya bilang “Best Pope” sa kanyang buhay.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang naturang pahayag, sa sidelines ng isang meeting, kahapon.

Sa hiwalay naman na statement, sinabi ng Pangulo na nakikiisa ang Pilipinas sa Catholic Community sa buong mundo, sa pagluluksa sa pagpanaw ng Santo Papa, na inilarawan niya bilang “Man of Profound Faith and Humility.”

Idinagdag ni Marcos ang pamumuno ni Pope Francis, ay hindi lamang sa pamamagitan ng talino, kundi sa pagkakaroon ng bukas na puso, lalo na sa mahihirap at mga hindi napapansin.

Inihayag ng Punong Ehekutibo na ang pagiging mapagkumbaba ni Pope Francis ang nagdala sa marami pabalik sa Simbahan.

About The Author