dzme1530.ph

Pagbabalik sa lumang academic calendar, mahalagang bahagi ng reporma sa edukasyon

Loading

Welcome development para kay Senate Committee on Basic Education chairman Sherwin Gatchalian ang pagbabalik sa dating academic calendar ng school year 2025-2026.

Binigyang-diin ni Gatchalian na ang pagsisimula ng klase sa buwan ng Hunyo ay mahalagang hakbang upang maibalik ang normal na daloy ng pag-aaral ng mga estudyante at guro, matapos ang serye ng pagkaantala at pagbabago dulot ng COVID-19 pandemic.

Aminado si Gatchalian na naging mahirap ang proseso ng pagbalik sa orihinal na academic calendar, lalo na sa gitna ng iba’t ibang hamon sa sektor ng edukasyon.

Gayunman, ipinagmalaki niya na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng stakeholders, nakamit ang pagbabagong ito.

Kasabay nito, binanggit din ni Gatchalian ang patuloy na pagpapatupad ng MATATAG curriculum ngayong taon, na layong palakasin ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Kaya naman nanawagan ang senador ng patuloy na suporta para sa mga guro na pangunahing tagapagpatupad ng mga pagbabago sa kurikulum.

About The Author