dzme1530.ph

Pagtaob ng MV Hong Hai 16, dapat busisiing mabuti

Loading

GINIIT ni Senate Committee on Environment Chairperson Cynthia Villar na kailangan ng masusing imbestigasyon sa nangyaring pagtaob ng MV Hong Hai 16 sa karagatang sakop ng Occidental Mindoro.

 

Aminado ang senadora na nakababahala ang pangyayari na naganap kahit walang masamang panahon.

 

Dapat anyang matukoy ang kondisyon ng barko, ang kaligtasan ng operasyon, at ang kalidad ng pagbabantay sa mga dredging activities sa karagatan.

 

Iginiit din ni Villar ang kahalagahan ng maagap na pagtugon sa posibleng epekto ng aksidente sa kalikasan tulad ng posibleng oil spill na banta sa marine ecosystems, sa kabuhayan ng mga mangingisda, at sa suplay ng isda sa mga pamilihan.

 

Inalala rin ng mambabatas ang oil spill noong 2023 dahil sa paglubog ng MT Princess Empress, gayundin ang magkasunod na pagtaob ng MT Terra Nova at MTKR Jason Bradley sa Bataan.

 

Iginiit pa ni Villar na hindi na dapat maulit ang ganitong kapabayaan at kahinaan o kakulangan sa pagpapatupad ng batas at dapat managot ang nagpabaya kaya nangyari ang aksidente.

About The Author