dzme1530.ph

Regional Cooperation, mahalaga sa pagsawata sa scam farms

Loading

MARIING iginiit ni Senador Sherwin Gatchalian ang pangangailangan ng matatag na regional cooperation upang masawata ang scam farms na patuloy na nambibiktima ng mga Pilipino para magtrabaho sa kanila.

 

Kasabay nito, pinuri ni Gatchalian ang mabilis na aksyon ng gobyerno sa pagsagip sa mga overseas Filipino workers na na-recruit at naging biktima ng trafficking sa isang scam farm sa Cambodia.

 

Isa sa mga nasagip ay si Michelle Dianna Cubos Mantuano, na unang na-recruit bilang call center agent ngunit kalauna’y napilitang lumahok sa pang-i-scam ng kumpanyang pinagtrabahuhan doon.

 

Humingi ng tulong sa opisina ni Gatchalian ang kakambal ni Michelle Dianna na si Michelle Angelica, residente ng Valenzuela, para sa pagsagip sa kanyang kapatid.

 

Bukod sa pamimilit na sumali sa scam operations, inilahad ni Michelle Dianna na ang mga hindi nakakatugon sa itinakdang sales quota ng kumpanya ay nakakaranas ng pisikal na pananakit.

 

Sinabi ni Gatchalian na mahalaga ang naging papel ng mga ahensya ng gobyerno sa pagsagip sa mga biktima ng scam farms.

About The Author