dzme1530.ph

Mahigit 6K pasyente, nilapatan ng lunas ng Red Cross sa paggunita ng Mahal na Araw

Loading

Halos 6,400 pasyente sa buong bansa ang nilapatan ng lunas ng Philippine Red Cross (PRC) sa paggunita ng Semana Santa.

Sa advisory, sinabi ng Red Cross, na mula April 12 hanggang kahapon ng alas-2 ng hapon, umabot sa 6,397 na mga pasyente ang kanilang tinugunan.

Mula sa naturang bilang, 5,928 ay para sa vital signs monitoring habang 434 ang minor cases.

May naitala ring 16 ang major cases, gaya ng asthma, paninikip ng dibdib, nawalan ng malay, pamamanhid at pagkahilo, multiple abrasions, multiple lacerations, suspected dislocation, at seizures.

Nag-mobilized ang PRC ng 1,840 volunteers at 313 staff sa katatapos lamang na Mahal na Araw.

About The Author