dzme1530.ph

Publiko, pinag-iingat sa mga posibleng aberya ngayong Semana Santa

Loading

Pinaalalahanan ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang publiko kaugnay sa paggunita ng Semana Santa kasabay ng babala sa mga maaaring aberya na karaniwang nagaganap sa ganitong panahon.

Partikular na binilinan ang mga nais mag-out of town para magbakasyon gayundin ang mga Katoliko na magnilay-nilay ngayong linggo.

Sa mga babiyahe, sinabi ni Revilla na dapat tiyaking nasa kondisyon ang mga sasakyan at maging ang magmamaneho upang makatiyak na hindi magkakaroon ng aberya sa lansangan.

Inspeksyunin din dapat aniya kung may sapat na hangin ang reserbang gulong at tingnan kung kumpleto ang brake fluid.

Huwag  din aniyang kakalimutan ang mga tools ng sasakyan partikular na ang early warning device upang hindi mahirapan sakaling magkaroon ng aberya.

Tiyaking may baong tubig, sapat na pagkain at gamot upang hindi na maghagilap sa panahon ng pangangailangan.

Higit sa lahat ay tiyaking nasa maayos ang kalagayan ng bahay bago tuluyang umalis – kabilang na ang appliances na dapat ay matiyak na nabunot ng maayos upang makaiwas sa sunog.

About The Author