Malugod na ikinagalak ng TRABAHO Partylist ang ginawang pagkilala ng Google Maps sa sovereign rights ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ayon sa tagapagsalita ng grupo na si Atty. Mitchell Espiritu, kitang-kita na ang tatak na West Philippine Sea (WPS) sa Google Maps, na malinaw na naghahayag ng ating pagmamay-ari at karapatan.
Bago ang nasabing update, kailangan pa palakihin o i-zoom ang mapa bago makita ang tatak na WPS.
Kinumpirma naman ng Google ang nasabing update:
“The West Philippine Sea has always been labeled on Google Maps. We recently made this label easier to see at additional zoom levels.”
Kamakailan, nagpahayag din ang TRABAHO ng suporta sa Philippine Coast Guard (PCG) para sa maagap na pagdeploy ng aircraft sa WPS. Ito ay upang ipakita sa Chinese research vessel na hindi uurong ang PCG sa pagprotekta ng soberanya ng Pilipinas.
Sa mensahe ng pro-labor na grupo, dapat umanong maging maagap lalo na sa paniniguro na mismong ang kasalukuyang henerasyon ng mga Pilipino, at ang kanilang magiging mga anak, ang makikinabang sa mga likas na yaman ng ating bansa.
Batay sa mga lumabas na survey ngayong buwan, mataas ang tsansa na maluluklok ang TRABAHO Partylist (bilang 106 sa balota) sa kauna-unahang termino nito sa Kongreso.