dzme1530.ph

Fully operational na travel facilities sa mga paliparan, pinatitiyak ngayong Semana Santa

Loading

Kinalampag ni Sen. Grace Poe ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno at pamunuan ng paliparan upang tiyaking handa at ganap ang operasyon ng mga travel facilities sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Semana Santa.

Sinabi ni Poe na hindi naman kumplikado ang mga kailangang gawin upang maibigay ang maginhawang biyahe sa mga pasahero.

Kailangan lamang anya ng malinis na palikuran, maayos na aircon, at maaasahang suplay ng kuryente at tubig sa mga paliparan.

Binigyang-diin ng senadora ang pangangailangang panatilihing malamig at maaliwalas ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA), lalo na ngayong tag-init.

Dapat may sapat din anyang personnel sa check-in counters, baggage handling, immigration, at security screening upang mapabilis ang daloy ng pasahero at magtalaga rin ng medical at customer service personnel sakaling magkaroon ng aberya.

Inaasahan din ni Poe ang mga positibong pagbabago sa ilalim ng bagong NAIA Infra Corporation, gaya ng centralized hub para sa mga taxi at app-based vehicles, at pinalawak na driveway lanes upang mapabuti ang traffic flow sa paligid ng paliparan.

About The Author