dzme1530.ph

Koalisyong bumubuo sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, nananatiling solido

Loading

Intact at hindi pa rin natitinag ang pagkakaisa ng limang political parties na bumubuo sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa gitna ng patuloy na paglago ng suporta ng mga kandidato nito sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ito ang binigyang-diin ni Alyansa campaign manager at Navotas City Rep. Toby Tiangco kasabay ng pagdiriin na nananatiling malakas ang kanilang koalisyon.

Binubuo ang Alyansa ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Lakas-CMD, National People’s Coalition (NPC), National Unity Party (NUP), at Nacionalista Party (NP).

Ang pahayag ay kasunod ng pag-eendorso ni Vice President Sara Duterte kay Alyansa senatorial bet Camille Villar.

Sinabi ni Tiangco na patuloy ang pagtanggap ng kanilang mga kandidato ng suporta sa national at local level maging sa mga grassroots organizations na kanilang ipinagmamalaki dahil ang pulitika anya ay addition at hindi division.

Binigyang-diin pa ni Tiangco na ang pulitika ay pagbuo ng mga koalisyon at sa bawat eleksyon mahalaga ang bawat suporta.

Iginiit pa ni Tiangco na ang bawat pag-endorso na makukuha ng bawat kandidato ng Alyansa ay patunay na pagtango at pagyakap sa Bagong Pilipinas na isinusulong ng Pangulo.

About The Author