Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sa paggunita sa Semana Santa ngayong taon, ay mananatiling matatag at positibo ang mga Pilipino sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, gaya ni Hesukristo.
Nanawagan ang Pangulo sa Sambayanan na pagnilayan ang pagkahabag at pag-aalay ng sarili ng Panginoon, habang ginugunita ang pagdurusa, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Hesus.
Umaasa rin si Marcos na muling mababawi ng mga Pinoy ang lakas sa presensya ng kanilang pamilya at mga mahal sa buhay ngayong Semana Santa.
Kahapon ay dumagsa ang mga Katoliko sa mga Simbahan para sa taunang pagbabasbas ng mga Palaspas, na hudyat ng pagsisimula ng Mahal na Araw.