dzme1530.ph

Presyo ng isda, nananatiling stable ilang araw bago ang Semana Santa

Loading

Nananatiling stable ang presyo ng mga isda sa bansa, ilang araw bago ang Semana Santa, ayon sa Department of Agriculture.

Sinabi ni DA Spokesperson, Assistant Secretary Arnel de Mesa, na napanatili ang umiiral na presyo ng mga isda, kabilang ang bangus at tilapia, simula noong nakaraang buwan.

Batay sa price monitoring ng ahensya, mabibili ang kada kilo ng bangus sa P240 habang P160 ang tilapia.

Samantala, bumaba naman sa P240 ang per kilo ng galunggong na noong nakaraang buwan ay nasa P300 at noong nakaraang linggo ay nasa P260.

Inihayag ni de Mesa na inaasahan na nilang sa susunod na linggo, lalo na sa Huwebes Santo at Biyernes Santo ay magkakaroon ng bahagyang pagtaas sa presyo ng mga isda, dahil bahagi ng tradisyon ng mga Pilipino na huwag kumain ng karne kapag Mahal na Araw.

About The Author