Nagsasagawa na ng backtracking ang Philippine National Police sa tatlong rehiyon sa Luzon kaugnay ng pagdukot at pagpatay sa isang Fil-Chi businessman at sa driver nito.
Bahagi ito ng mas malalimang imbestigasyon ng pambansang pulisya sa nasabing kaso kung saan mayroon na silang sinusundan na leads.
Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Jean Fajardo, sinimulan na nila ang backtracking ng CCTVs sa Region 3, Region 4A at maging sa National Capital Region.
Ito’y upang mas mapabilis ang pagkalap nila ng ebidensya kung saan nanggaling ang bangkay ng dalawang biktima at sino ang nasa likod ng krimen.
Ipinaabot naman ni PNP Chief, Gen. Rommel Francisco Marbil ang taos pusong pakikiramay nito sa naiwang pamilya ng biktima at sa buong Filipino-Chinese community at tiniyak ang mabilis na imbestigasyon sa naturang krimen at pagbibigay hustisya sa mga biktima.