dzme1530.ph

Justice Sec. Remulla, kinompronta sa ginawang pagsuko kay FPRRD sa ICC

Loading

Nagkaroon ng sagutan sina Senador Ronald Bato dela Rosa at Justice Secretary Boying Remulla kaugnay sa pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations, iginiit ni dela Rosa na sa ilalim ng diffusion notice ng Interpol na nakalagay na hanapin, arestuhin at isalalim sa extradition ang dating Pangulo.

Ipinaliwanag naman si Remulla na hindi na natin opsyon ang extradition dahil kumalas na tayo sa ICC.

Kung hindi anya kumalas si dating Pangulong Duterte sa Rome Statute ay posibleng nagamit pa ang proseso ng extradition.

Naninidigan din si Remulla na dahil ngayon lamang nangyari ito sa bansa naniniwala silang pinakamabuti na ang kanilang naging desisyong isuko ang dating Pangulo alinsunod sa batas.

Iginiit naman ni Sen. Imee Marcos na kung wala na tayo sa ICC malinaw na wala nang obligasyon ang Pilipinas sa ICC at hindi dapat isinuko ang dating Pangulo.

Sa huli, sinabi ni Remulla na matitigil lamang ang pagtatalo sa usapin kung lalabas na ang desisyon ng Korte Suprema sa petisyon ng kampo ng dating Pangulo.

About The Author