dzme1530.ph

Oversupply ng condo sa NCR, pinasisilip sa Kamara

Loading

Pinasisilip ng isang kongresista sa Kamara de Representantes ang umano’y ‘oversupply’ ng condominium sa Metro Manila.

Sa House Resolution (HR) 2229 ni Quezon City Rep. Victoria Co-Pilar, noong October 2024 naiulat na may 67,600 condo units sa Pasig, Maynila, Caloocan at Quezon City.

Sa Quezon City may oversupply na 18,500 units, sumunod ang Ortigas Center, 13,500; Bay Area, 10,500; ang Maynila 8,500 units; Alabang, 5,800; Makati 3,400 at BGC may 1,300 units.

Ayon kay Pilar, sa kabila nang sobra-sobrang condominium units sa Metro Manila, bigo pa ring masolosyunan ang problema sa ‘housing backlog’ na nasa 6.5 million as of 2024, at inaasahang aakyat sa 22 million pagsapit ng taong 2040.

Nangangamba ang mambabatas na kung hindi tutugunan ang problema sa pabahay, lalala ang “social inequality” na tiyak may epekto rin sa ekonomiya at sa kabuhayan.

About The Author