dzme1530.ph

Utos ng SC na magkomento sa petisyon kaugnay sa anti-political dynasty, irerefer ng Senado sa OSG

Loading

Irerefer ng Senado sa Office of the Solicitor General ang atas ng Korte Suprema sa Kamara at Senado na magkomento sa petisyong humihiling na atasan ang Kongreso na magpasa ng batas laban sa political dynasty.

Ito ang inihayag ni Senate President Francis “Chiz” Escudero bagama’t wala pa aniya silang natatanggap na anumang notice mula sa Korte Suprema.

Ang OSG ang legal counsel ng gobyerno kaya’t maaaring tumugon sa mga petisyon laban sa Senado at sa iba pang tanggapan ng pamahalaan.

Sa atas ng Korte Suprema, may 10 araw ang Senado at Kamara upang sumagot sa petisyon.

Una namang sinabi ni Escudero na naniniwala siyang hindi magtatagumpay  ang petisyon sa Korte Suprema para utusan ang Kongreso.

Ipinaliwanag ng senate leader na matagal nang nagdesisyon ang Supreme Court  na hindi maaaring utusan ang Kongreso na gumawa ng kahit anong batas.

About The Author