dzme1530.ph

Atty. Raul Lambino, pinagpapaliwanag ng SC sa false claims sa TRO laban sa pagdakip kay FPRRD

Loading

Inatasan ng Supreme Court si Atty. Raul Lambino na magpaliwanag sa loob ng sampung araw kung bakit hindi ito dapat patawan ng administrative sanction.

Bunsod ito ng “pagpapakalat ng maling impormasyon” ni Lambino hinggil sa pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

Ginawa ang show cause order sa en banc session sa Baguio City noong April 2.

Tinukoy ng Kataas-taasang Hukuman na batay sa Facebook live noong March 11, 2025, sinabi ni Lambino na nag-isyu ang Supreme Court ng Temporary Restraining Order laban sa pagdakip sa dating pangulo.

Binigyang diin ni SC Spokesperson, Atty. Camille Ting, na ang naturang misinformation ay nagdulot ng kalituhan sa publiko at naligaw ang taumbayan sa hakbang ng Korte.

About The Author