Nag-donate ang Australian government ng P34-M na halaga ng drones at operator training sa Philippine Coast Guard (PCG).
Inihayag ng PCG na dalawampung (20) aerial drones ang ipinagkaloob sa ahensya ni Australian Ambassador to the Philippines Hae Kyong Yu sa isang seremonya sa Bataan.
Ayon kay Yu, ang donasyon nilang state-of-the-art drones and trainings, ay patunay ng kanilang pinaigting na maritime cooperation sa Pilipinas at kontribusyon sa modernisasyon ng PCG.
Sa bahagi naman ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan, sinabi nito na palalakasakin ng ipinagkaloob na drones ang strategic maritime domain awareness capabilities ng ahensya.
Una nang dumating sa bansa ang drone specialists mula sa Australian government para magbigay ng apat na araw na training sa tatlumpung (30) miyembro ng PCG Aviation Command Unmanned Aerial Vehicles Squadron.