dzme1530.ph

Mocha Uson, tinawag ang pansin kaugnay sa ‘Cookie ni Mocha’ campaign jingle nito

Loading

Isang “Open letter” ang inilabas ng House Committee on Women, Gender and Equality para tawagin ang pansin ng vlogger na si Mocha Uson.

Ayon kay Bataan Rep. Geraldine Roman, chairperson ng komite, hindi kaaya-aya ang campaign jingle ng vlogger na tumatakbo sa local post sa Maynila, partikular ang katagang ‘Cookie ni Mocha, ang sarap-sarap.’

Batid ng mambabatas na walang intensyong masama si Uson, subalit naniniwala rin ito na may maganda pang magagawa ang vlogger.

Mas mainam kung gamitin aniya ni Uson ang kanyang plataporma sa pagsusulong ng paggalang sa katawan at pagkatao ng kababaihan.

Dapat umanong iwasan ang ‘objectification’ ng katawan ng mga kababaihan, ito man ay biro dahil nababalewala ang pakikipaglaban ng kababaihan na irespeto sila o igalang.

Saad pa ni Roman, hindi dapat ginagamit sa gimmick o palabas ang kasarian, at ngayong election season, dapat na itaas ang antas ng diskurso para magsilbi itong inspirasyon sa publiko.

About The Author