Tiniyak ni Transportation Secretary Vince Dizon na maaari na muling pumasada sa kanilang mga ruta ang unconsolidated jeepney drivers at operators.
Sinabi ni Dizon na nagbigay na siya ng direktiba para makabalik sa kalsada ang mga hindi nagpa-consolidate para sa modernisasyon.
Gayunman, humingi ng karagdagang panahon ang Kalihim sa mga tsuper para makabuo ng mekanismo upang maging legal ang kanilang operasyon.
Binigyang diin din ni Dizon na hindi magiging stressful sa mga driver ang bubuuing mekanismo.
Una nang nangako ang Transportation chief na titingnan nito ang mabagal na franchise consolidation process para sa public utility vehicles matapos matuklasan na wala pa sa kalahati ng PUVs sa bansa ang naka-comply ng buo sa modernization requirement.