dzme1530.ph

Mga Pinoy na nahuli sa China dahil sa pang-eespiya, dapat tulungan ng gobyerno

Loading

DAPAT ibigay pa rin ng gobyerno ang lahat na posibleng tulong sa tatlong Pilipinong maaaring kasuhan ng espionage sa China.

 

Ito ang iginiit ni Alyansa Senatorial bet at dating Senador Panfilo Lacson kasabay ng pahayag na ikinalungkot niya ang nangyari ang paghuli sa tatlong Pilipino sa gitna ng pinalawak na anti-espionage law ng China na may mas mabigat na parusa kabilang ang habambuhay na pagkulong at pagbitay.

 

Ipinaliwanag ni Lacson na pinalawak ng China ang batas nito laban sa espionage at sakop na hindi lang ang bagay tungkol sa national security kundi maging national interest.

 

Idinagdag pa ni Lacson na  may ilang US security official na ang nagsabing ang pagpalawak ng batas ay nagbigay sa pamahalaan ng China ng “wider discretion” para ma-interpret ang batas.

 

 

Kinatigan naman ni ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo ang pahayag ni Lacson at iginiit na ang tanging magagawa ng Pilipinas sa ngayon ay tulungan ang mga Pinoy.

 

 

Batay sa ulat, inaresto ng Chinese state security ang tatlong Pilipino dahil sa suspected espionage kasunod naman ng pagdakip ng ilang hinihinalaang Chinese spies sa Pilipinas.

 

About The Author