NAGPAALALA ang ilang senatorial candidate ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa mga kandidato na maging maingat sa mga binibitiwang pahayag sa kampanya at sa mga panayam.
Sinabi ni ACT CIS Partylist Rep Erwin Tulfo na dapat palagiang mangibabaw ang respeto sa bawat binibitiwang salita.
Tinawag naman ni dating Senador Panfilo Lacson na insensitive ang pahayag ng isang kandidato sa pagka-kongresista sa Pasig City kaugnay sa solo parents.
Ito anya ang mga bagay na dapat iniiwasan sa pangangampanya.
Para naman kay dating Senate President Tito Sotto, very immoral ang statement na hindi bagay sa isang public servant at kung ganito anya ang pag-uugali ay hindi dapat iboto.
Iginiit naman ni Makati City Mayor Abby Binay na hindi na dapat pasikatin pa ang naturang kandidato at posibleng ginawa anya niya ang pahayag upang maging sikat.