dzme1530.ph

Civilian population, dapat ding hikayating tumulong sa posibleng pag-evacuate sa mga Pinoy sa Taiwan kung matuloy ang paglusob ng China

Loading

Kinatigan ng ilang Senatorial bets ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ang panawagan ni AFP Chief of Staff, General Romeo Brawner sa mga sundalo na maghanda kung sakaling lusubin ng China ang Taiwan.

 

Nagkakaisa ang Alyansa na dapat bigyang prayoridad ang paglilikas sa mahigit dalawandaang libong Pinoy na nasa Taiwan.

 

Sinabi ni dating Senador Panfilo Lacson na tama lamang ang panawagan ni Brawner dahil kung magkakaroon ng evacuation sa Taiwan,  ang may kakayahan, kapabilidad at mga kagamitang gumawa nito ay ang AFP upang maprotektahan ang mga kababayan sa Taiwan.

 

Binigyang-diin naman ni dating DILG Secretary Benhur Abalos na nararapat lamang na ngayon pa lamang ay maghanda ang lahat upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino.

 

Ipinaliwanag ni Abalos na mas mabuti nang may pinaghahandaan upang mailatag ang mga kinakailangang hakbangin para sa kapakanan ng mga Pinoy.

 

Sinabi naman ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na kailangang magkaroon din ng rehearsal sa paglilikas ng mga Pinoy kasama ang mga civilian forces kabilang ang civilian vessels.

 

Kinatigan ito ni dating Senador Panfilo Lacson na nagsabing kailangan ding mamobilize ang civilian vessels sa evacuation upang mas maging mabilis ang aksyon.

 

Iginiit naman ni ACT CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo na malinaw naman sa pahayag ni Brawner na hindi naman makikiisa ang mga sundalo sa giyera at sa halip ay maghahanda lamang para sa evacuation.

About The Author