dzme1530.ph

Kandidato sa pagka-kongresista sa Pasig, pinagpapaliwanag ng Comelec dahil sa pagbibiro ng bastos sa kababaihan

Loading

Pinagpapaliwanag ng Anti-Discrimination Panel ng Comelec si Pasig City Congressional Candidate Ian Sia hinggil sa malaswang biro nito sa mga single mother.

 

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, na inisyuhan ng show cause oder ng task force safe si sia, matapos nitong ialok ang sarili para makasiping ng mga single mom, partikular ang mga dinadatnan pa ng buwanang dalaw.

 

Nakasaad sa kautusan na mayroong tatlong araw ang kandidato para magpaliwanag kung bakit hindi ito dapat sampahan ng reklamo bunsod ng election offense o petition for disqualification.

 

Ayon sa panel, ang pahayag ni sia ay posibleng paglabag sa comelec resolution no. 1111g na nagsasaad na walang diskriminasyon na maaring gawin o sabihin laban sa marginalized groups, gaya ng kababaihan, mga miyembro ng LGBTQIA+ community, indigenous peoples, mga taong mayroong HIV, at persons with disabilities.

About The Author