Pinawi ng Malakanyang ang pangamba hinggil sa posibleng pananakop sa Taiwan sa gitna ng military exercises ng China sa paligid ng Taipei.
Sa press briefing, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro na walang dapat ikabahala ang taumbayan, sa kabila nang panawagan ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner sa mga sundalo na maghanda sakaling sakupin ang Taiwan.
Ang gobyerno ng Pilipinas ay walang official diplomatic ties sa Taiwan, na isang democratic self-ruling island na humiwalay mula sa Chinese mainland simula noong 1949.
Gayunman, mayroong de-facto embassy ang Pilipinas sa Taiwan na tinatawag na Manila Economic and Cultural Office (MECO).