dzme1530.ph

OVP, tutulungan ang mga dinakip na Pilipinong raliyista sa Qatar

Loading

Tutulungan ng Office of the Vice President (OVP) ang mga Pilipinong inaresto dahil sa paglulunsad ng political rally sa Qatar noong nakaraang linggo.

Ayon kay Vice President Sara Duterte, makikipag-coordinate ang kanyang opisina sa ibang mga ahensya para pag-usapan kung anong klaseng assistance ang maaari nilang maibigay sa mga dinakip na Pinoy.

Una nang tiniyak ng Malakanyang na hindi aabandonahin ng gobyerno ang mga inarestong Pilipino at pagkakalooban ang mga ito ng tulong.

Ang 17 Pinoy ay dinakip at ikinulong matapos lumahok sa rally, para umano tutulan ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte bunsod ng kasong crimes against humanity sa International Criminal Court.

About The Author