dzme1530.ph

MARINA at Coast Guard, naghahanda na sa pagdagsa ng mga biyahero para sa Semana Santa

Loading

Sinimulan na ng Maritime Industry Authority (MARINA) at ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagpapalakas ng seguridad at paghahanda para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa nalalapit na Semana Santa.

Sa unang pagkakataon ay nag-umpisang mag-inspeksyon ang MARINA sa mga pantalan, para tutukan ang mga pampasaherong barko, dalawang linggo bago ang Holy Week peak season.

Pinaigting din ng MARINA ang compliance monitoring ng mga pampasaherong barko simula kahapon hanggang sa April 12, kung saan pitong teams ang ipinakalat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Samantala, nag-deploy naman ang PCG ng additional personnel sa mas sensitibong mga bahagi ng Batangas Port.

Sinabi ni Coast Guard District Southern Tagalog Commander, Commodore Geronimo Tuvilla na itinaas nila ang kanilang alerto hindi lamang sa rehiyon, kundi maging sa lahat ng units sa bansa para sa peak season.

About The Author