dzme1530.ph

Internet service providers at cable operators, hinimok na ibaba ang singil at lawakan ang coverage

Loading

Muling kinalampag ni Sen. Grace Poe ang mga internet service provider at cable tv operators upang gawing abot kaya at mataas ang kalidad ng kanilang serbisyo.

Kasunod ito ng pag-aaral ng World Bank na isa sa pinakamataas sa Asya ang singil sa internet service sa bansa subalit isa rin sa pinakamabagal.

Kung ikukumpara sa average na singil sa internet sa buong Asya, doble ang singil sa Pilipinas para sa fixed broadband at isa’t kalahating beses na mas mataas sa mobile broadband.

Lumitaw din sa report ng World Bank na ang average speed ng fixed broadband sa Pilipinas ay 94 mbps na mabagal kumpara sa internet speed sa Malaysia, Vietnam, Singapore, Thailand at Brunei.

33% lang din ng households sa bansa ang may access sa fixed broadband o may wifi sa bahay habang 41% na ang average sa buong Asya.

Binigyang-diin ni Poe na kailangang makiisa ang pribadong sektor upang makaaccess sa internet ang maraming Pinoy.

About The Author