dzme1530.ph

Labor attaché ng Pilipinas, pinayagan ng Qatar na makausap ang mga nakaditineng Pinoy

Loading

Pinayagan ng Qatari government ang Philippine labor attaché sa Qatar na makausap ang mga Pilipino na nakaditine dahil sa pagsasagawa ng ipinagbabawal na political protest.

Inihayag ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, na binisita ng Embassy Team ang mga detainee, at physically ay maayos ang mga ito.

Gayunman, mayroong legal na usapin na kailangan aniyang resolbahin, dahil sa umano’y paglabag sa Qatari Law.

Ayon sa DMW, mula sa 17 nananatili sa detention, 5 ang mga babae habang ang natitirang 12 ay mga lalaki.

Ang tatlong kabataan na kasamang ikinulong ay pinakawalan na subalit nananatili sa kustodiya ng mga awtoridad ang kanilang mga magulang.

About The Author