Umabot na sa 34 na insidente ng vote-buying, vote-selling, at abuse of state resources (ASR) ang na naitala ng Comelec kaugnay ng nalalapit na Eleksyon sa Mayo.
Sa naturang bilang, 23 ang may kinalaman sa vote-buying at vote-selling habang 11 ang ASR.
Ayon kay Comelec Commissioner Ernesto Maceda Jr., Chairperson ng Committee on “Kontra Bigay,” inihain ang reports sa kanilang punong tanggapan sa Intramuros sa Maynila.
Noong 2022 Presidential Elections ay tumanggap ang Poll body ng kabuuang 1,226 vote-buying reports.
375 na kaparehong mga kaso ang tinanggap din ng Comelec noong 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections, na ang karamihan ay mula sa National Capital Region.