dzme1530.ph

Sakripisyo at kontribusyon ng Kababaihan sa lipunan kinilala ni Rep. Nograles

Loading

Halos mahigit limang libong benepisyaryo ng programang DOLE-TUPAD ang tumaggap ng benipisyo sa ikinasang pay-out activity sa Montalban, Rizal kahapon, Marso 27, 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni 4th District Rep. Fidel Nograles, bilang pakikiisa sa pagtatapos ng Buwan ng Kababaihan o Women’s Month.

Ayon kay Rep. Fidel Nograles, bilang paki-isa at pagkilala, isang espesyal na araw ang kanyang inihandog sa mga kababaihan, para sa kanilang mga tagumpay, sakripisyo, at kontribusyon sa ating lipunan.

Ayon sa Kongresista, magpapatuloy ang kanyang serbisyo sa nasabing bayan, sa lahat ng sector, hindi lamang sa mga kababaihan.

Patuloy rin aniya ito sa pagsulong at paghahain ng mga panukalang batas na mag-aangat sa ekonomiya ng Bayan ng Montalban.

Kabilang sa mga proyektong natapos nito ay ang Level II na Northern Tagalog Regional Hospital (NTRH) na matatagpuan sa Mayon Avenue, Brgy. San Jose Montalban, Rizal na magbibigay ng de kalidad na serbisyo sa mga pasyente, na bukas para sa lahat ng bayan sa Rizal.

Samantala, buong suporta namang nagpakita ng pasasalamat ang mga tumaggap ng ayuda mula sa TUPAD, sa pamamagitan ng malasakit at kawang gawang serbisyo ni Nograles.

Batay sa record na natulungan ni Nograles, nakapagtala ito ng mahigit 104,000 beneficiaries sa healthcare and burial cash assistance; 49,000 beneficiaries sa TUPAD livelihood assistance, P83 million total amount ng hospital guarantee letters, mahigit 4K educational assistance and scholarships at higit 59K sa iba pang ayuda tulad ng wheelchair, food packs, computer, school supplies, vaccination, at iba pa.

 

 

 

 

About The Author