dzme1530.ph

DTI, magpapautang sa sari-sari store at palengke vendors sa pamamagitan ng e-wallet apps

Loading

Inanunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) na maglulunsad ito ng bagong loan program, partikular para sa micro entrepreneurs, na magiging available sa pamamagitan ng e-wallet mobile applications.

Ayon kay Trade Secretary Cristina Aldeguer-Roque, mayroong bagong partnership ang DTI kasama ang Development Bank of the Philippines para sa inisyal na 500-million peso loan program na ang target ay maliliit na negosyante.

Aniya, maaring mag-loan ang sari-sari store owners at mga vendor sa palengke sa pamamagitan ng GCash at PayMaya.

Idinagdag ni Roque na bagaman maraming loan programs ang DTI, ang bagong programa ay para sa micro entrepreneurs, lalo na sa mga nagnanais na magsimula o palawakin ang kanilang sari-sari stores o pwesto sa palengke.

About The Author