dzme1530.ph

Contempt at detention order kay Bauan, Batangas mayor Ryan Dolor, isinilbi pagkalapag nito sa NAIA airport

Loading

Deretso sa detention facility ng Kamara si Bauan, Batangas Mayor Ryanh Dolor, matapos itong arestohin ng House Sergeant-at-Arms, Airport Police, CIDG at Bureau of Immigration agents sa NAIA Terminal 1.

Ang pag-aresto ay sa bisa ng contempt order ng House Committee on Public Accounts na pinamumunuan ni Rep. Joseph Stephen Paduano makaraang ilang beses isnabin ng alkalde ang pagdinig ng komite.

Si Mayor Dolor ay iniimbestigahan dahil sa umano’y irregularidad sa pag-sasa-pribado o privatization ng Bauan Waterworks System, at maling paggamit sa kanyang pondo.

Ayon kay House Sergeant-At-Arms retired police Major General Napoleon Taas, dumating si Dolor sa NAIA Terminal 1 sakay ng PAL flight PR 113 mula Los Angeles, California, 11:34 PM, noong March 26.

Sa pagitan ng alas-12:08 at 12:20a.m. o hatinggabi ng March 27, isinagawa ang pag-aresto ng pinagsanib na tauhan ng House Sergeant-at-Arms, CIDG at BI.

Siniguro naman ni Taas na bago inaresto binasahan ng kanyang mga karapatan si Dolor at sumailalim sa required medical check-up bago siya ipinasok sa House detention facility.

About The Author