dzme1530.ph

Suspensyon ng tax privileges ng mga OFW na magsususpinde ng kanilang remittances sa bansa, hindi isusulong ng Senado

Loading

Walang plano si Senate President Francis “Chiz” Escudero na gantihan ng suspensyon ng tax privileges ang mga OFW sakaling ituloy ang bantang suspindihin ang kanilang remittances sa Pilipinas.

Una nang sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na maaaring kanselahin ng Kongreso ang tax privileges na hindi pagbabayad ng income tax ng mga OFW kung itutuloy ang bantang zero-remittance.

Ipinaliwanag ni Escudero na hindi ito maaaring gawin ng Senado nang mag-isa at kailangan ng desisyon ng buong Kongreso.

Hindi rin aniya nila maaaring gawin ang hakbang na ito habang naka-recess ang Kongreso at ikatlo ay hindi niya ipinapayong ito ay gawin.

Iginiit ni Escudero na hindi ito isyu ng gantihan at kung gusto nating pahupain o pababain ang emosyon at tensyon, ay hindi tamang reaksyon ang pagganti at pumatol.

Ang dapat aniyang gawin ay lawakan ang pang-unawa at tanggapin ang sitwasyon kasabay ng paghiyakat sa mga OFW na humanap ng ibang paraan sa paglalabas ng kanilang saloobin.

Ipinaalala pa ng senate leader na ang pangunahin namang maaapektuhan ng zero remittance ay ang mga pamilya ng mga OFW at ang ekonomiya sa kabuuan.

About The Author