dzme1530.ph

PTMP, ‘di dapat ipatupad kung hindi pa perpekto

Loading

Nanindigan si Senate President Francis “Chiz” Escudero na hindi dapat ipatupad ang Public Transport Modernization Program hangga’t hindi ito napeperpekto.

Ginawa ng senate leader ang pahayag sa gitna ng patuloy na transport strike ng grupong MANIBELA bilang protesta sa programa.

Sinabi ni Escudero na mahalagang maisaayos muna ng gobyerno ang sistema kaugnay ng financing ng programa.

Naniniwala ang senador na hindi pa kakayanin ng mga tsuper, operator at maging ng mga commuter ang pagkakaroon ng modernized jeep.

Ipinaliwanag ni Escudero na kahit mayroong pondong inilalaan ang gobyerno para sa subsidiya sa mga tsuper at operator ay hindi pa rin ito sasapat para matustusan ang kailangan ng mga kasalukuyang namamasadang mga jeep.

Hindi anya sapat ang subsidiyang P200-400,000 kung nasa P3-M ang halaga ng isang modernized jeep.

Bukod dito, hindi pa rin aprubado ng LTFRB ang mga transport routes kaya paanong mako-compute ang dapat na halaga ng pamasaheng sisingilin ng mga tsuper.

About The Author