dzme1530.ph

Pagtaas ng bilang ng mga nagbubuntis sa edad na 10 hanggang 14, ikinaalarma ng CPD

Loading

Nanawagan ang Commission on Population Development (CPD) ng agarang aksyon upang matugunan ang tumataas na bilang ng pagbubuntis sa mga batang 10 hanggang 14 na taong gulang.

Nagpahayag ng pagkadismaya si CPD Spokesperson Myline Mirasol Quiray sa nakababahalang kalakaran na aniya ay nangangailangan ng buong atensyon ng lahat.

Nakalulungkot aniya dahil ang kabataan noon na 10 hanggang 14 na taon ay naglalaro pa, subalit ngayon ay nagdadalang tao na ang iba.

Sinabi ni Quiray na ang pinakabata na naitalang kaso ay 8-taong gulang, at nagsilang noong ito ay 9-na taon.

Batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), inihayag ng CPD official na lumobo sa mahigit 3,300 cases ang 10 to 14 bracket pregnancies noong 2023 mula sa 2,000 noong 2019.

About The Author