Hindi titigil ang gobyerno, na ipaglaban ang pagkamit ng hustisya, para sa mga naging biktima ni dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr..
Ito ang naging reaksyon ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office Usec. Atty. Claire Castro, sa pagbasura ng Korte ng Timor Leste, sa hiling na extradition ng Pilipinas kay Teves.
Pagdidiin ni Castro, hanggat makakaya ng administrasyon, itutuloy nito ang pakikipaglaban para sa hustisya.
Si Teves na kasalukuyang nasa Timor Leste, ay nahaharap sa patong-patong na murder case, na nauugnay sa pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pang indibidwal noong 2023.