Iniulat ng Department of Agriculture (DA) ang mas mababang rice imports sa gitna ng anihan ng lokal na palay sa Pilipinas.
Ayon sa DA, as of March 13, 640,915 metric tons lamang ng imported na bigas ang dumating sa bansa simula noong Enero.
Mas mababa ito kumpara sa 1.19 million metric tons na dumating sa bansa sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Inihayag ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na nangangahulugan ito na malaki talaga ang pumasok na imported na bigas noong nakaraang taon, at ang expectation na magiging maganda ang harvest ngayong 2025.