Umabot na sa 9,463 liters ng oily water mixture at 115 na mga sako ng oil-contaminated materials ang nakolekta sa offshore response operations ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa oil spill sa Oriental Mindoro.
Simula nitong March 1 hanggang kahapon, March 26, nakakolekta rin ang PCG ng 3,514 na mga sako at 22 drum ng basura mula sa 13 barangay sa mga bayan ng Naujan, Bulalacao, at Pola.
Samantala, sinabi ng coast guard na pumasa na sa “quality standard” ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kalidad ng tubig sa karagatan ng Oriental Mindoro nang isailalim sa pagsururi ang water samples nito.