Ilalabas ng Comelec ang disposition o order sa disqualification case na inihain laban sa magkapatid na senatorial candidates na sina Erwin at Ben Tulfo, at sa tatlo pa nilang kaanak para sa Halalan 2025, sa Lunes.
Una nang ini-raffle ang disqualification case laban sa mga Tulfo at napunta ito sa First Division ng Poll body.
Ipinaliwanag ni Comelec Chairman George Garcia na maaaring maglabas ng summon para sa mga respondent upang ituloy ang hearing sa kaso, o kaya naman ay agad itong idismis kung may makitang mga depekto sa petisyon.
Ang iba pang respondents sa disqualification case ay sina ACT-CIS Rep. Jocelyn Pua-Tulfo, Quezon City 2nd District Rep. Ralph Wendel Tulfo, at Turismo party-list nominee Wanda Tulfo-Teo.
Inakusahan ng petitioner na si Virgilio Garcia ang respondents bilang mga miyembro ng aniya’y political dynasty na ground for disqualification sa May 2025 elections.