Nanindigan si Senate Minority Leader Koko Pimentel na hindi siya gagawa ng patagong hakbang upang hikayatin ang mga senador na suportahan ang kanyang posisyon na masimulan na ang impeachment process laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ay may kaugnayan pa rin sa panghihikayat ni Pimentel kay Senate Majority Leader Francis Tolentino na pangunahan na ang Senate special session para matalakay na ang proseso ng impeachment.
Ayon kay Pimentel, hinding-hindi siya gagawa ng anumang pagkilos sa likod ng Senate President.
Tiniyak ni Pimentel na lahat ng komunikasyon niya sa Senate Majority ay daraan sa Senate President at magiging propesyunal din sila sa isa’t isa.
Samantala, sa timeline naman ni Escudero na target magbaba ng hatol sa impeachment case ni Duterte sa Oktubre, sinabi ni Pimentel na malalaman lang ang judgment day kapag nasimulan na ang paglilitis.
Muling iginiit ni Pimentel na batay sa Konstitusyon, ang trial o ang paglilitis ang siyang dapat simulan “forthwith” o kaagad.