May alok na trabaho ang Japan para sa Filipino nursing graduates at bukas ang aplikasyon hanggang sa Abril.
Ayon sa Japanese Embassy sa Pilipinas, ang Department of Migrant Workers (DMW), sa pakikipagtulungan ng Japan International Corporation of Welfare Services, ay tumatanggap ng aplikasyon para sa 50 registered nurses at 300 certified care workers.
Ang naturang job opportunity ay binuksan sa ilalim ng Japan-Philippines Economic Partnership (JPEPA).
Lahat ng matatanggap na aplikante ay sasailalim sa Japanese Language Training sa loob ng anim na buwan sa Pilipinas at panibagong anim na buwan sa Japan, bago ang kanilang tatlo hanggang apat na taong pagta-trabaho sa Japanese hospitals at caregiving facilities.