Hinamon ni bagong Transportation Secretary Vince Dizon ang Land Transportation Office (LTO) na i-release ang plaka ng mga bagong sasakyan sa loob ng 72 hours o tatlong araw.
Sinabi ni Dizon na inaasahan niyang mareresolba na ng LTO ang problema sa backlog ng license plates na nagsimula noon pang 2014, lalo na sa mga motorsiklo.
Idinagdag ng bagong DoTr chief na magtatakda rin siya ng deadline sa LTO para maisakatuparan ang mga kailangan at dapat gawin.
Paliwanag ni Dizon, kung walang deadline ay natural na pa-easy easy lang ang trabaho, kaya mas mainam aniya na mayroon, para magpursige ang mga nasa ilalim ng ahensya.