dzme1530.ph

Mga sangkot sa tangkang pagbebenta sa mga nasabat na smuggled na sigarilyo, dapat sibakin at patawan ng parusa

Loading

Kinatigan ni Sen. Sherwin Gatchalian na dapat may ulong gumulong kaugnay sa pagtatangkang ibenta muli ang mga nakumpiska na illegal o smuggled na sigarilyo.

Sinabi ni Gatchalian na dapat na matukoy at mapanagot ang sangkot sa tangkang pagbebenta sa mga nakumpiska na kontrabando.

Hindi anya ito dapat palampasin ang Bureau of Customs at National Bureau of Investigation sa gagawing pagsisiyasat.

Iginiit pa ng senador na dapat mahigpit na ipataw ang pwersa ng batas sa sinumang lilitaw na sangkot kabilang na ang taga-BOC.

Hindi aniya sapat na sibakin lang ang mga ito sa puwesto kundi dapat silang kasuhan at panagutin dahil kung hindi ay maituturing itong betrayal of public trust.

Naniniwala si Gatchalian na hindi rin ito simpleng katiwalian kundi raket na sa loob mismo ng gobyerno.

About The Author